Connect with us

Aklan News

NOBYA NG NAGPAKAMATAY NA LALAKI, HUMINGI NG ‘SORRY’ SA PAMILYA NG BIKTIMA

Published

on

Balete, Aklan – Humingi ng “sorry” sa pamilya ng biktima ang nobya ng lalaking nagpakamatay sa isang farm sa Cortes, Balete nitong nakaraang martes.

Subalit hindi na nito idinitalye ang dahilan ng kanyang paghingi ng tawad.

Ayon sa 17 anyos na dalagita, nais din umano sana niyang pumunta sa burol ng kanyang boyfriend, subalit ayaw umano siyang payagan ng pamilya ng lalaki.

Aminado rin ang dalagita na may boyfriend siyang taga Banga noong 15 anyos pa lamang siya bago pa sila nagkareslasyon ni Roniel at alam rin naman umano ito ng biktima.

Kinumpirma rin niya na namanhikan sa kanya ang kanyang kasintahan isang buwan na kahapon, subalit nagulat na lamang umano ito nang malamang nagpakamatay ang kasintahan.

Sinabi pa ng dalagita na nagpalit sila ng cellphone sa kagustuhan din ng kanyang boyfriend.

Subalit binawi umano ito ng isa sa mga kapatid ni Roniel matapos ang pagpapatiwakal ng biktima.

Samantala, nabatid naman sa pamilya na wala pa silang nakatakdang araw ng libing ni Roniel.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *