Connect with us

Aklan News

63 ANYOS NA LOLO, NAGPAKAMATAY

Published

on

Boracay Island – Nagpakamatay ang isang senior citizen sa pamamagitan ng pagbigti sa loob ng isang resort sa Station 1, Balabag, Boracay.

Kinilala ng Boracay PNP ang biktimang si Andres Bandiola Ignacio, 63 anyos, tubong magsikap, Rizal, Occidental Mindora at pansamantalang nagtatrabaho bilang helper sa isang resort sa isla.

Ayon sa kanyang kasamahan sa trabaho, nakita na lamang niya kaninang pasado alas-5 ng umaga ang biktima na nakasabit sa kisame gamit ang isang electrical cord.

Bago paman aniya ito mangyari ay nagsabi ito sa kanya kagabi na hindi ito makatulog at balisang balisa.

Napag-alaman din na nagsuka ito ng dugo may dalawang lingo na ang nakakaraan subalit tumanggi itong magpagamot.

Ayon naman sa kanyang nakababatang kapatid na si Wenie Ignacio, dati nang nagtangkang magpakamatay ang biktima dahil sa matinding depresyon.

Gayunpaman, nakatakdang ipasailalim ang biktima sa isang post mortem examination.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *