Connect with us

Aklan News

2 MUSIKERO, TIMBOG SA DRUG BUY-BUST

Published

on

Boracay Island – Magkasamang nahuli ang dalawang musikero sa ikinasang buy bust operation ng Boracay PNP sa Sitio Bantud, Manocmanoc, Boracay Island Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Leonel Artes Daddie, alyas ‘Arnel Dadie’, 34 anyos at Lemuel Carbonilla Bandanayan, 38 anyos, kapwa tubong Davao City at parehong pansamantalang nakatira sa Sitio Cagban, Manocmanoc, Malay.

Nasamsam sa mga suspek ang dalawang sachet ng marijuana kapalit ng P1100 na buy bust money.

Narekober pa sa isinagawang body search ang tatlong sachet ng pinaniniwalaang marijuana.

Mahaharap sila sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *