Connect with us

Aklan News

RIDER NG MOTORSIKLO, PATAY SA AKSIDENTE

Published

on

Patay ang isang rider ng motorsiklo matapos maaksidente bandang alas 9:20 kagabi sa diversion road ng Mabilo, New Washington.

Kinilala ni Police Corporal John Lee Valencia ng New Washington PNP ang biktima na si Al-Bonnie De Juan Invina, 24 anyos ng Oyotorong St., Poblacion, Kalibo.

Base sa imbistigasyon ng pulis, galing sa Mabilo, New Washington at papuntang Kalibo ang biktima nang mangyari ang insidente.

Base umano sa mga nakasaksi, narinig na lamang ng mga ito ang malakas na tunog ng nag-crash na motorsiklo.

Kaagad umano nila itong nilapitan at doon nakita sa kabilang lane ng kalsada ang nakahandusay na biktima.

Kaagad naman itong dinala sa ospital ng mga rumespondeng team ng MDRRMO-New Washington, subali’t idineklarang dead on arrival.

Ayon pa sa pulis, mabilis umano ang pagpapatakbo ng motorsiklo ng biktima sa madilim at kurbadang kalsada, rason na posibleng nawalan ito ng kontrol sa pagmamaneho na naging sanhi naman ng insidente.      

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *