Connect with us

Aklan News

RIDER NG MOTOR SUGATAN MATAPOS MAKABANGGAAN ANG TRAYSIKEL

Published

on

Kalibo – Sugatan ang isang rider ng motorsiklo matapos makabanggaan ang isang traysikel pasado alas 3:00 kahapon ng hapon sa Toting Reyes St., Poblacion, Kalibo.

Kinilala ng Kalibo PNP ang biktimang si Mark Raphael Maghacot Rigodon, 34 anyos, draybet ng motorsiklo at ang driver ng nakabanggaang traysikel na si Manuel Magada Oquendo Jr., 55 anyos at parehong residente ng Andagao, Kalibo.

Base sa imbestigasyon ng pulis, galing sa Toting Reyes St. papuntang Banga ang biktima, subali’t aksidenteng nakabanggaan ang traysikel na bigla na lamang umanong nag- u-turn pabalik sa Crossing Banga.

Dahil dito, sumemplang sa kalsada ang motorsiklo na ikinasugat ng drayber.

Kaagad dinala sa pribadong pagamutan ang biktima habang nangako naman umano ang driver ng traysikel na sasagutin ang gastusin medikal ng nasabing biktima.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *