Connect with us

Aklan News

MAGTOTROSONG WALANG PERMIT, ARESTADO

Published

on

This is not the actual photo. Photo from the web.

Arestado ang isang magtotroso alas 11:45 nitong tanghali sa Sitio Bita, Cayangwan, Makato dahil sa kawalan umano nito ng permit.

Kinilala ni Police Staff Sergeant Jover Zubiaga ng Makato PNP ang suspek na si Nelson Inaudito Irojo, 46 anyos ng San Dimas, Malinao.

Ayon sa pulis, itinawag sa kanila ng concerned citizen na may pumuputol ng kahoy sa nasabing lugar na kaagad naman nilang nirespondehan.

Dahil dito, naaktuhan umano nila si Irojo habang pumuputol ng kahoy na ‘Tipolo’ gamit ang chainsaw.

Hinanapan umano nila ito ng mga dokumento at permit sa kanyang pagtotroso maging sa ginagamit nitong chainsaw, subali’t wala umano itong maipakita.

Dahil dito, inaresto si Irojo at pansamantalang ikinostodiya sa Makato PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Naiwan naman sa lugar ang pinutol nitong kahoy na kakatapos lamang nitong putulin nang dumating ang mga pulis.

Kasong paglabag sa RA 9175 o Chainsaw Act of 2002 ang inihahandang kaso laban sa suspek.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *