Connect with us

Aklan News

TRAK NA MAY KARGANG BUHANGIN, TUMAGILID SA KALSADA

Published

on

Balete – NATUMBA ang isang truck na may kargang buhangin sa kalsada sa Sitio Bang-bang, Brgy Feliciano dakong ala 1:30 nitong hapon.

Kinilala ng Balete PNP ang driver ng truck na si Remar Gicana Dusaran, 38 anyos ng Barangay Calaigang, San Rafael, Iloilo at ang helper nitong si Stephen Centino Dieron, 41 anyos ng nasabing lugar.

Ayon sa driver ng trak galing sila sa Banga kung saan sila kumuha ng kargang buhangin at papunta na sana ng Ivisan, Capiz nang mangyari ang insidente.

Pumutok umano ang tubong kumukonekta sa brake ng nasabing sasakyan habang nasa kurbadang kalsada, dahilan upang mawalan siya ng kontrol sa manibela at tumagilid ang sasakyan.

Dahil dito, bumuhos ang karga nilang buhangin.

Kaagad namang rumesponde ang Balete PNP sa lugar at mabilis namang nakontrol ang daloy ng trapiko.

Wala namang nasaktan sa naturang insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *