Connect with us

Aklan News

PANGALAN NG AKLAN PROVINCIAL DIRECTOR, GINAMIT SA MODUS

Published

on

PDOSia

Kalibo, Aklan – Sa ikalawang pagkakataon, muli na namang ginamit ang pangalan ni Aklan Police Director PCol Esmeraldo P Osia Jr., sa isang modus operandi.

Sa pamamagitan ng tawag, humingi ang isang scammer ng mahigit P2000 halaga ng cellphone load kay Makato Mayor Abencio Torres habang ito ay nasa kanyang opisina nito lamang Agosto 27.

Ayon naman kay PD Osia, hindi kailanman ito nakibahagi sa naturang mga gawain.

“And I will never be engaged in this kind of act”, saad pa nito.

Dahil dito, inanyayahan ng mga kapulisan ang komunidad na maging alerto at wag basta-bastang maniniwala sa mga modus at makibahagi upang makaiwas sa mga kriminalidad.

Kaugnay nito, mas pinaigting ng Aklan PNP ang kanilang mga programa at proyekto kasunod ng selebrasyon ng National Crime Prevention Week sa darating na Setyembre.

Continue Reading
Advertisement
1 Comment

1 Comment

  1. Pingback: AKLAN PNP, NAGBABALA SA PUBLIKO LABAN SA MGA NAGPAPANGGAP NA PULIS AT NANGHIHINGI NG LOAD AT FINANCIAL ASSISTANCE PARA SA PEKENG PROJECTS – Radyo Todo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *