Connect with us

Aklan News

EMPLEYADO NG DAR, NABIKTIMA NG HIT AND RUN

Published

on

Photo| Geralyn Dela Cruz Taladtad

Kalibo, Aklan – Nabundol ng motorsiklo ang isang empleyada ng DAR sa kahabaan ng Osmeña Ave., sa Kalibo, Aklan, dakong alas 5:30 ng hapon kahapon.

Kinilala ang biktimang si Limy Rasco Protacio, 56 anyos ng Poblacion, Balete.

Patungo sa direksyon ng Estancia ang nasabing motorsiklo na minamaneho ng hindi pa nakikilalang lalaki, habang naglalakad naman papatawid ang babae sa harap nang Medalla Milagrosa Cemetery nang magananap ang aksidente.

Ayon sa mga nakasaksi, humingi ng tulong ang biktima habang nakahandusay ito.

Isang tricycle driver ang nagmagandang loob na dalhin ang biktima sa ospital.

Hanggang sa ngayon ay inaalam pa ang pagkakakilanlan ng nakasagasa sa biktima.

via| Felmerie Sabino/Pablito Cabesilla

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *