Connect with us

Aklan News

BINATANG ISANG BUWAN PA LANG NA MAMANHIKAN, NAGPAKAMATAY

Published

on

Balete, Aklan – NAGPAKAMATAY ang isang 26 na taong gulang na binata na isang buwan pa lang na namanhikan sa pamilya ng kanyang nobya.

Nakilala ang biktimang si Roniel Vicente Francisco, na taga Brgy Cortes ng bayang ito.

Base sa report ng Balete PNP, natagpuan na lamang ng pamilya ng amo nito ang biktima kaninag alas 5 ng umaga na nakabitay mula sa ikalawang palapag ng kanilang resthouse.

Ayon sa kapatid nito na si Joselito, naniniwala sila na walang ‘foul play’ sa pagkamatay ng kanilang kapatid.

Ayon pa kay Joselito, nasa nobya umano ng biktima ang cell phone nito, habang nasa biktima naman ang cellphone ng babae subali’t nasira na ito.

Ikinuwento pa ng kapatid ng biktima na nakipag-inuman pa ito sa kanyang mga barkada kagabi, subali’t nagulat na lamang ang mga ito sa kanyang sinapit kaninang umaga.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *