Connect with us

Aklan News

BANTAY NG PALAISDAAN TUMAWID SA ILOG, NALUNOD PATAY

Published

on

Batan – Patay na nang matagpuan ang isang lalaki matapos tumawid at malunod sa ilog alas 11:40 nitong tanghali sa Sitio Maeobong, Lalab, Batan.

Nakilala ang biktimang si Jovily Dadivas Aguel Jr., 29 anyos, residente ng Sitio Himbis, Lalab, Batan at bantay ng isang palaisdaan.

Ayon kay Police Staff Sergeant Jessie Lauz ng Batan PNP, bandang alas 9:00 umano ng umaga kanina nang magdesisyong umuwi galing sa pakikipag-inuman sa kanyang mga barkada ang biktima mula pa kahapon.

Tumawid umano ito ng ilog, subali’t hindi na umano ito nakaahon.

Ayon pa kay Lauz, may nakakita sa biktima na kumakaway ang isang kamay at tila nagpapasaklolo.

Kaagad namang umano itong sinaklolohan, subali’t hindi na nakita.

Kaagad rumesponde sa lugar ang mga taga MDRRMO Batan, pati ang ilang local officials sa lugar hanggang makita na lamang ang kanyang bangkay sa bahaging pinaglunuran niya bandang alas 11:40 kaninang tanghali.

Ayon pa kay Lauz, nakatakdang isailalim sa post mortem examination ang bangkay ng biktima.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *