Connect with us

Aklan News

LALAKING TULAK NG MARIJUANA, ARESTADO

Published

on

Kalibo Aklan – ARESTADO at nakakulong ngayon sa Kalibo Municipal Police Station ang isang lalaking tulak ng marijuana.

Isinagawa ng mga operatiba ng Aklan Provincial Drug Enforcement Unit ang buybust operation alas 12 kaninang hating gabi sa Sitio Ilaya, Bakhaw Norte, Kalibo Aklan.

Kinilala ang suspek na si John Nalaunan, 23 anyos ng Roxas Avenue Extension, Andagao.

Nakuha kay Nalaunan ang 3 sachet ng marijuana kapalit ng P2000 na buybust money.

Nakuha rin sa kanyang posisyon ang isang improvised glass pipe na may lamang sunog na marijuana.

Itinanggi naman ito ng suspetsado.

Inihahanda na sa ngayon ng mga kapulisan ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban kay Nalaunan.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *