Connect with us

Aklan News

MOTORSIKLO, BUMANGGA SA TRUCK NG AKELCO

Published

on

PHOTO credit to MDRRMO Kalibo

Kalibo, Aklan – Isinugod sa ospital ang isang rider ng motorsiklo matapos bumangga sa truck ng AKELCO bandang alas 11:00 kagabi sa Kalibo-Numancia bridge.

Nakilala ang biktimang si Renee Rubio Inducta, 31 anyos ng Laguinbanwa East, Numancia.

Base sa report ng Kalibo PNP, galing sa Laguinbanwa ang rider at papunta sana ng Kalibo nang aksidenteng bumangga sa truck ng AKELCO na nakaparada habang naka hazard sa kalagitnaang bahagi ng tulay ang truck at may inaayos na linya ng kuryente.

Kaagad namang dumating ang mga taga MDRRMO at dinala sa ospital ang biktima na nagtamo ng pinsala sa kanang paa.

Sinasabing nasa impluwensiya ng alak ang biktima nang mangyari ang insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *