Connect with us

Aklan News

DAHIL SA ELECTRIC FAN, BAHAY NASUNOG

Published

on

New Washington – Natupok ang isang bahay sa Sitio Lagatik, Poblacion, New Washington bandang alas 3:00 nitong hapon.

Gawa sa mixed materials ang bahay na pagmaymay-ari ni Florepes Datulayta.

Ayon kay SFO1 Julius Tiongson ng Bureau of Fire New Washington, nagsimula ang sunog sa ikalawang kuwarto ng bahay kung saan nag over heat ang nakasaksak na electric fan dahil hindi ito na-unplug.

Ayon naman kay Florepes, nagkataong wala siya sa kanilang bahay nang mangyari ang sunog at ang mga bata lamang ang naiwan doon.

Nalaman na lamang umano niyang nasusunog ang kanilang bahay nang ipagbigay-alam ito sa kanya ng isa sa kanyang mga apo.

Samantala tinatayang nasa P94,000.00 ang pinsalang idinulot ng sunog na umabot sa 1st alarm at tumagal ng halos kalahating oras.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *