Connect with us

Aklan News

MOTORISTA INARARO NG BUS, PATAY

Published

on

Numancia, Aklan – Basag ang bungo ng isang motorista makaraang araruhin ng isang bus dakong alas-10 nitong umaga sa Brgy. Dongon West, Numancia.

Kinilala ng Numancia PNP ang biktimang si Edgardo Macabulit Tuason, 65 anyos, isang retiradong seaman at residente ng Brgy. Dongon East, Numancia habang ang drayber naman ng bus ay kinilala bilang Cezar Romulo Jr., 30 anyos, ng Bakhaw Norte, Kalibo.

Pahayag ng mga nakasaksi, lumabas ang motor sa Mantiguib at palabas na sana ng highway ng masagi ng Bus ng Discover Boracay na mula naman sa direksyon ng Caticlan papuntang Kalibo.

Nabatid na kinaladkad pa ng bus ng halos 200 metro ang nasabing motorsiklo.

Sa lakas ng pagkakabangga ay kumalat sa kalsada ang sumabog na utak ng biktima na agad binawian ng buhay.

Samantala, kulong naman ngayon sa Numancia PNP ang drayber ng bus habang hinihintay pa ang disposisyon ng pamilya ng biktima.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *