Connect with us

Aklan News

LALAKING HINAMPAS NG PALA SA ULO, BINAWIAN NA NG BUHAY

Published

on

Ang kalagayan ng biktima sa Aklan provincial hospital bago ito dinala Iloilo..

New Washington, Aklan – NAMATAY na dakong alas alas 5:30 nitong hapon sa West Visayas State University Medical Center ang lalaking hinampas ng pala noong nakaraang Huwebes sa Brgy. Polo, New Washington.

Ito ang kinumpirma ng imbestigador na si Police Corporal Raul Reña ng New Washington PNP mula mismo sa pamilya ng biktimang si Syril Delgado Villanroque.

Ayon pa kay Reña, alas 8:00 kaninang umaga nang sampahan nila ng kasong frustrated homicide ang suspek na si Jim Mayor Osorio.

Ngunit dahil sa pagkamatay ng biktima ay maaamyendahan umano ang kaso at magiging homicide na.

Sinabi pa ni Reña na pansamantalang ibinalik sa kustodiya ng New Washington PNP ang suspek para sa karampatang disposisyon.

Matatandaang bumili ng sigarilyo sa tindahan ng suspek ang lasing na biktima subalit pinagsisigawan niya umano ito at hinamon, dahilan kaya hinampas niya ito ng pala sa ulo.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *