Connect with us

Aklan News

LALAKI, ARESTADO DAHIL SA PAGPAPAPUTOK NG BARIL

Published

on

Kalibo, Aklan – Arestado dahil sa pagpapaputok ng baril ang isang lalaki sa Bakhaw Norte, Kalibo 12:30 kaninang madaling araw.

Kasunod ito ng pagsumbong sa Kalibo PNP station ng nagreklamong si Rodindo Itulid Bautista, 42 anyos, residente ng nasabing lugar na nagresulta naman sa pagkakaaresto sa suspek na si Reynaldo Tiamson Gayapa Jr., ng Banay-banay, Malinao.

Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, nag-ugat ang insidente sa isang birthday party habang sumasayaw si Bautista.

Base pa sa kanyang reklamo, itinulak umano siya ng isa sa mga bisita doon at kinumpronta kung kursunada siya nito.

Itinanggi naman ito ni Baustista kung kaya’t lumabas ng bakuran ang lalaki at niyaya siyang lumabas para pag-usapan ang nangyari.

Ikinagalit umano ng suspek na si Gayapa ang nangyari dahil kasama pala nito ang nanulak na lalaki.

Bumaba umano ng motorsiklo si Gayapa, bumunot ng hindi natukoy na baril at pinaputukan si Bautista na suwerte namang hindi tinamaan.

Pansamantalang ikinustodiya sa Kalibo PNP station si Gayapa at nakatakdang isailalim sa paraffin test upang malaman kung nagpaputok ito ng baril.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *