Connect with us

Aklan News

DAHIL SA NAIWANG NAKASAKSAK NA ELECTRIC FAN, BAHAY NASUNOG

Published

on

New Washington, Aklan – NASUNOG ang isang bahay sa Sitio Lagatik, Brgy. Poblacion, sabayang ito bandang alas 3:00 nitong hapon.

Gawa sa mixed materials ang bahay na pagmaymay-ari ni Florepes Datulayta.

Ayon kay SFO1 Julius Tiongson ng Bureau of Fire Protection New Washington, nagsimula ang sunog sa ikalawang kuwarto ng bahay kung saan nakasaksak ang electric fan at hindi na umano binubunot.

Ayon naman kay Florepes, nagkataong wala siya sa kanilang bahay nang mangyari ang sunog at ang mga bata lamang ang naiwan doon.

Nalaman na lamang umano niyang nasusunog ang kanilang bahay nang ipagbigay-alam ito sa kanya ng isa sa kanyang mga apo.

Samantala, tinatayang nasa P94,000.00 ang pinsalang idinulot ng sunog na umabot sa 1st alarm at tumagal ng halos kalahating oras.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *