Connect with us

Aklan News

CONSTRUCTION WORKER SA BORACAY, PATAY SA DENGUE

Published

on

Namatay habang ginagamot sa Intensive Care Unit (ICU) ng Aklan Provincial Hospital ang isang 35 anyos na construction worker matapos tamaan ng dengue sa isla ng Boracay.

Nabatid na dinaing ng biktimang si Arnold Tenorio, ng Brgy. Minaa, Ibajay ang lagnat at sakit ng tiyan nang umuwi nitong biyernes mula sa Boracay.

Unang isinugod ang biktima sa Ibajay District Hospital kung saan napag-alaman na siya ay positibo sa sakit na dengue.

Kaagad itong nirefer sa Isolation Ward ng Provincial Hospital at kalaunan ay inilipat sa sa ICU dahil sa biglaang pagbaba ng blood platelet at paghina ng kanyang katawan.

Kanina lang alas-4 ng madaling araw, malungkot na ibinalita sa pamilya ng biktima na binawian na ito ng buhay.

Ayon sa kapatid ng biktima na si Jovy na kasama rin nya sa Boracay, na posibleng sa kanilang tinutuluyang barracks sa Seneres Compound o sa construction site sa Station 2, sa Sitio Manggayad, Brgy. Balabag nakagat ng lamok na may dengue ang biktima.

via|Jun Cabesilla

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *