Pitong lady boys o bading ang hinuli ng mga pulis matapos
ireklamo na nag-aalok umano ng panandaliang aliw sa beach front ng Station 2,
Balabag, Boracay bandang alas 2:00 kaninang madaling araw.
Ayon kay Police Corporal Jemar Claridad ng Boracay PNP,
isinailalim sa profiling ang mga lady boys at pinaalalahanan na bawal ang
kanilang ginagawa.
Ayon pa kay Claridad, kaagad namang pinauwi ang nga nasabing ‘lady
boys’ matapos pagsabihan tungkol sa kanilang bayolasyon.