Connect with us

Aklan News

WANTED SA KALIBO, ARESTADO

Published

on

Arestado kahapon sa Andagao, Kalibo ang isang lalaking wanted sa kasong reckless imprudence resulting to serious physical injuries.

Nakilala ang akusadong si Jonito Dominguez Villafuerte, 22 anyos ng Jalas, New Washington.

Inaresto si Dominguez sa bisa ng warrant of arrest na nilagdaan at ibinaba ni Presiding Judge Alicia A. Cruz-Barrios, MTC 6TH Judicial Region, Kalibo na may petsang June 25, 2019.

Inirekomenda ng korte ang P12, 000.00 na halaga ng piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Pansamantala siyang ikinostodiya sa Kalibo PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Samantala, bagama’t hindi na nagbigay pa ng kanyang panig ang akusado, sinabi nito na hindi niya alam na meron pala siyang kaso.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *