Connect with us

Aklan News

LALAKI HINAMPAS NG PALA, KRITIKAL

Published

on

Photo|Jun Cabesilla

Kritikal ang isang lalaki at kinailangan ilipat sa ospital sa Iloilo City makaraang hampasin ng pala sa ulo kahapon sa Brgy. Polo, New Washington.

Nakilala ang biktimang si Syril Delgado Villanroque, 38 anyos at ang suspek na kanya ring kamag-anak na si Jim Mayor Osorio, 42 anyos at pawang residente ng nasabing lugar.

Base sa imbistigasyon ng New Washington PNP, bumili ng sigarilyo sa tindahan ng suspek ang biktima.

Subali’t sinisigawan umano ng biktima ang suspek na nakatayo sa loob ng kanilang bakuran, rason na ikinagalit naman ng huli.

Kasunod nito, kinuha umano ng suspek ang pala sa gilid ng kanyang tindahan at pinalo sa ulo ang biktima.

Pala na ginamit ng suspek sa paghampas sa biktima.

Kaagad namang naaresto ang suspek at ikinostodiya sa New Washington PNP subali’t agad naman na nakalabas matapos magka areglo ang pamilya ng magkabilang panig na sa barangay nalang dalhin ang kanilang kaso.

via|Jun Cabesilla

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *