Connect with us

Aklan News

8 FASTCRAFTS, BUMIBIYAHE SA BORACAY SA GABI

Published

on

Fastcraft ng CBTMPC na bumibiyahe sa gabi

Boracay Island – WALANG PROBLEMA sa mga pasahero ang pagsuspende ng Maritime Industry Authority (MARINA) sa biyahe ng mga pumpboat sa gabi sa Boracay to Caticlan, vice versa.

Kagabi ay ipinatupad na ng Philippine Coastguard ang pinakabagong guidelines na ito ng MARINA.

Ayon sa Caticlan Boracay Transport Multipurpose Cooperative, mahigit 20 units nang mga motorbanca nila, na may night navigation license, ang naapektuhan ng nasabing suspension.

Pero may 8 units nang fastcraft ang patuloy na bumibiyahe mula alas 6 ng gabi hanggang alas 5 ng umaga.

Madadagdagan pa ito ng 4 units sa susunod na linggo.

Sapat na diumano ito para sa nga pasahero na nangangailangan ng kanilang serbisyo sa gabi.

Sa kasalukuyan ay Tabon at Tambisaan ports ang biyahe kung saan umaabot ng 10 hanggang 15 minuto ang paglalayag ng fastcrafts.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *