Aklan News
VAN DRIVER, NAG-SAULI NG BAG NA MAY SHABU

Published
2 years agoon

Kalibo, Aklan – Nagulantang ang mga pulis ng Kalibo PNP sa isang bag na isinauli ng isang van driver kahapon matapos matuklasang may laman pala itong shabu.
Nakilalala ang driver ng pampasaherong van na biyaheng Kalibo-Caticlan na si Rhey Briones Segovia, 39 anyos ng Poblacion, Ibajay.
Ayon sa driver, natuklasan nito ang bag na naiwan sa likurang bahagi ng sasakyan nang linisin nito ang van pagbaba ng kanyang mga pasahero sa terminal.
Itiniyak niya na wala ng pasahero sa lugar bago magdesisyon na dalhin nalang ito sa Kalibo PNP.
Tiningnan ni Patrolman Lionel Guingab ng Kalibo PNP ang laman ng bag upang maghanap ng ID o anumang pagkakakilanlan ng may-ari subalit nasorpresa ito ng makita ang isang sachet ng hinihinalang shabu na nakalagay sa secret pocket ng nasabing back pack.

Maliban sa nasabing droga, nakuha rin sa katabi nitong bulsa ang isang bulb tooter/pipe.

Kaagad dinala sa crime lab ang mga nasabing items para sa karampatang disposisyon.
Samantala, bagama’t walang nakuhang ID, kinumpirma naman ni Guingab na lalaki ang nagmamay-ari ng nasabing back pack.
You may like
-
Mga siklistang masisiraan ng bisikleta sa daan, may matatakbuhan nang libreng bike repair stations
-
20 NEW CASES NG COVID-19, NADAGDAG SA AKLAN NGAYONG ARAW
-
MAG LIVE-IN, ARESTADO SA BUY BUST OPERATION
-
DALAWA, ARESTADO SA ILEGAL NA SABONG
-
LALAKI, NATAGPUANG PATAY SA ABANDONADONG BODEGA
-
WANTED SA KASONG ATTEMPTED HOMICIDE, ARESTADO