Connect with us

Aklan News

8 TAONG GULANG NA BATA, GINAHASA UMANO NG TIYUHIN

Published

on

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 8353 o Rape ang isang 26 anyos na lalaki matapos umanong gahasain ang 8 taong gulang niyang pamangkin sa isang barangay sa bayan ng Batan.

Ayon kay Police Corporal Adeder Ann Gregorio ng Batan PNP, nangyari umano ang insidente bandang alas 4:00 ng hapon nitong nakaraang Martes, August 27 habang nag-iigib ng tubig sa sapa ang bata.

Ikinuwento umano ng bata sa kanyang ina na nilapitan siya ng kanyang tiyuhing suspek at binigyan ng P50.00.

Doon na rin umano nito ginawa ang panghahalay sa biktima na nagsumbong naman  sa kanyang ina na siya namang nagsumbong sa kagawad sa kanilang lugar.

Kaagad namang naaresto ang suspek at pansamantalang ikinostodiya sa Batan PNP station para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *