Connect with us

Aklan News

MOTORSIKLO SUMALPOK SA WING VAN, 1 PATAY

Published

on

Photo|Samuel Alvarez Jr.

Makato, Aklan – Patay ang isang 27-anyos na lalaki matapos sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa kasalubong na wing van.

Dead on arrival ang biktimang si Rollen Gabriel Tosio ng Cabatanga, Makato ng matapos magtamo ng matinding pinsala sa katawan.

Samantala, kasalukuyang nakakulong sa Makato PNP ang drayber ng wing van na si Timoteo Vergara III, 24 anyos, pansamantalang nakatira sa Kalibo.

Batay sa ulat ng Makato PNP, nangyari ang aksidente dakong alas-10 kagabi sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Mantiguib, Makato.

Pauwi na sana ang biktima mula sa direksyon ng Kalibo nang aksidenteng sumalpok sa kasalubong na wing van pagdating sa nasabing lugar.

Sa ngayon ay hinihintay pa ng pulisya ang desisyon ng pamilya kung magsasampa sila ng kaso sa drayber ng wing van.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *