Connect with us

Aklan News

LALAKING UMAWAT SA GULO, PATAY NG GILITAN SA LEEG

Published

on

Malay, Aklan – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang lalaking ginilitan ng leeg matapos umawat sa away kagabi sa Brgy. Nabaoy, Malay.

Kinilala ang biktimang si Rodelio Claud Flores, 33 anyos at ang suspek na si Eddie Boy Bernabe Zubista, 28 anyos, kapwa mga residente ng nasabing lugar.

Ayon kay PSSGT Gerald Ilig ng Malay PNP, nangyari ang insidente dakong alas 9:30 kagabi habang nag-iinuman ang biktima at ang suspek sa isang debut party.

Hindi nagtagal ay nagkaroon ng away sa pagitan ng suspek at ng kanyang kapatid.

Ayon pa sa pulisya, sinubukan ng biktimang si Rodelio na pigilin ang suspek subalit hinila nito ang kanyang buhok at ginilitan ang kanyang leeg.

Bago pa ito ay una nang tinaga ng suspek ang noon ay natutulog nang si Eugene Lusticu Claud, 19 anyos, ng Nabaoy.

Mabilis na dinala ang mga biktima sa ospital subalit hindi na umabot ng buhay si Rodelio, samantala patuloy naman na ginagamot sa ospital si Eugene.

Agad naman na tumakas ang suspek matapos ang nasabing insidente at patuloy pa na pinaghahanap ng mga pulisya.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *