Connect with us

Aklan News

LALAKI, ARESTADO SA BUYBUST OPERATION

Published

on

Kalibo, Aklan – Himas rehas ngayon ang isang lalaki matapos mahulihan ng shabu sa isinagawang buy-bust operation alas 6 kagabi sa Sitio Lambingan, Pook, Kalibo.

Nakilala ang suspek na si Jhon Lee Tolentino, 24 anyos ng Oyo Torong St., Kalibo.

Isinagawa ng mga operatiba ang nasabing operasyon at unang nakuha kay Tolentino ang 2 Sachet ng shabu kapalit ng P4, 000 na buy-bust money.

Dag-dag na 4 pa na sachet ng hinihinalang shabu ang nakuha sa kanya sa isinagawang body search.

Mariing itinanggi naman ng suspek na hindi sa kanya ang mga nakuhang shabu.

Sa ngayon nakakulong na ito sa Kalibo Municipal Police Station at sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *