Connect with us

Aklan News

NAGMOMOTORSIKLONG CONSTRUCTION WORKER, PATAY MATAPOS BUMANGGA SA POSTE

Published

on

Dead on arrival sa ospital ang isang construction worker matapos bumangga sa poste sa Poblacio, Lezo nitong sabado ng hapon.

Kinilala ni Police Master Sergeant Roel Relator ng Lezo PNP ang biktimang si Remark Illavera Nacor, 26 anyos ng Malandayon, Malinao.

Base sa imbestigasyon ng Lezo PNP, pauwi na galing sa Mabilo, New Washington ang biktima subalit aksidenteng bumangga sa poste ng street light pagdating sa kurbadang kalsada ng pinangyarihang lugar.

Pinaniniwalaang nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang biktima dahil posible umano itong nakaidlip at nangangamoy alak pa.

Sinasabing dumikit sa poste ang biktima pagdating ng mga pulis, habang tumilapon ang motorsiklong minamaneho nito ng halos 7 metro ang layo.

Kaagad siyang dinala sa ospital subalit wala na itong buhay pagdating doon dahil sa sinasabing pagkabali ng kanyang leeg.

via| Malbert Dalida

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *