Connect with us

Aklan News

DATING PRESO, BALIK-KULANGAN MATAPOS MAHULI SA BUY BUST

Published

on

Balik-kulungan ang 37 anyos na si Jilson Lopez, tubong Bacolod City at kasalukuyang naninirahan sa probinsya matapos matimbog sa ikinasang buy bust operation ng mga kapulisan kaninang umaga sa Brgy. Estancia, Kalibo.

Nasabat mula sa suspek ang isang malaking sachet ng pinaniniwalaang shabu kapalit ang P8000 na buy bust money.

Ayon sa mga kapulisan, nauna nang nakulong ang suspek nong 2014 dahil sa kaparehong kaso at kakalaya lamang nito Agosto nitong nakaraang taon sa pamamagitan ng plea bargaining.

Mahaharap muli ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

via|Jess Salonzo

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *