Connect with us

Aklan News

TATLONG UMAWAT SA GULO, SUGATAN SA PANANAKSAK

Published

on

via| Malbert Dalida

Ibajay -Tatlo ang sugatan sa pananaksak matapos umanong umawat sa gulo sa labas ng sayawan sa Ondoy, Ibajay alas 3:30 kaninang madaling araw.

Kinilala ni Police Corporal Denmark Tiel ng Ibajay PNP ang mga biktimang sina Rafael John Dalisay Castillon, 22 anyos at Gabriel Estolloso Enerio, 22 anyos na pawang taga Ondoy at isang 16 anyos na taga Aquino, Ibajay.

Nakilala rin ang magkapatid na suspek na sina Jenwil Hermocilla Gaa, 23 anyos at Jenry Hermocilla Gaa, 18 anyos na mga taga Antipolo, Ibajay.

Base sa imbestigasyon ng Ibajay PNP, nakita umano ng mga saksi sa insidente na may komosyon sa pagitan ng mga suspek at ibang nakaaway nila.

Lumapit umano ang mga biktima upang umawat dahil kilala naman nila ang mga suspek.

Subalit nagkagulo na kung saan bigla na lamang nanaksak ang suspek na si Jenwil at tinamaan sa kanilang likurang baywang sina Castillon at Escalona.

Ilang saglit lamang umano ang lumipas at nagkagulo uli kung saan nasaksak naman ng suspek na si Jenry ang biktimang si Enerio na nagtamo ng sugat sa kanang kamay.

Dinala agad sa Ibajay district hospital ang mga biktima, habang naaresto naman sa kanilang bahay ang mga suspek nang magsagawa ng follow up operation ang mga pulis.

Kasalukuyan silang ikinustodiya sa Ibajay PNP Station para sa karampatang disposisyon kasama na ang mga narekober na mga kutsilyo mula sa mga suspek.

Nabatid na pawang nasa impluwensiya ng alak ang mga biktima at suspek nang mangyari ang insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *