Connect with us

Aklan News

PAGPATAY SA BABAENG NATAGPUANG HUBO’T HUBAD SA ISANG IRIGASYON, CASE SOLVED NA

Published

on

Photo|New Washington PNP

via|Malbert Dalida

Kalibo, Aklan – Idineklara ng case solved ng pulisya ang pagpaslang sa 23 anyos na babaeng natagpuang hubo’t hubad sa isang irigasyon kahapon sa So. Sapa, Brgy. Mataphao, New Washington.

Kinilala ni Pol. Corporal Raul Renia, imbestigador ng nasabing kaso, ang suspek na si Rockson Libuon Roque, alyas “Bombay”, 32 anyos, residente ng Sitio Tabiling, New Washington.

Ani Renia, napag-alaman ang pagkakakilanlan ng suspek base naman sa pahayag ng mga saksi.

Pero bago pa umano niya ito anyayahan ay boluntaryo na itong lumapit sa mga kapulisan dahil nalaman niya na siya ang tinuturong responsable sa krimen.

Ayon di umano sa apat na mga testigo, siya ang huling nakasama ng biktima bago ito natagpuang patay.

Batay rin sa isang kapatid ng biktima, madaling araw kahapon ay nakita niya ang kanyang kapatid kasama ang suspek habang naglalakad mula sa dinaluhan nilang birthday party.

Magugunitang, pasado alas-5 kahapon ay natagpuan ang bangkay ng biktima sa isang irigasyon na wala ng saplot at may sugat sa ulo at balikat.

Lumalabas pa sa inisyal na pagsusuri na mayroon itong laceration sa kanyang pribadong parte ng katawan tanda na ginahasa ang biktima bago ito pinatay.

Dahil dito, mahaharap ang suspek sa kasong Rape with Homicide.

Nakatakda namang ipasailalim sa autopsy ang bangkay ng biktima para matukoy ang dahilan ng pagkamatay nito.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *