Connect with us

Aklan News

APAT, ARESTADO SA ILEGAL NA SUGAL

Published

on

via| Malbert Dalida

Kalibo – Apat ang arestado dahil sa ilegal na sugal alas 3:30  kahapon ng hapon sa Purok 4 C.Laserna St., Poblacion, Kalibo.

Nakilala ang mga arestado na sina Michelle Ann Boga Estañol, 29 anyos ng C.Laserna St.Poblcion, Kalibo; Chantal Christine Cipriano Salazar, 21 anyos ng New Buswang, Kalibo; Julia Parreño Bulos, 29 anyos C.Laserna St., Poblacion, Kalibo at isang 17 anyos na residente ng Polocate, Banga.

Base sa report ng Kalibo PNP matapos beripikahin ang impormasyon ng isang concerned citizen, nakita ng mga rumespondeng pulis ang mga ito na naglalaro ng pusoy sa labas ng isang bahay sa lugar.

Kaagad silang inaresto at pansamantalang ikinustodiya sa Kalibo PNP Station, maliban sa 17 anyos na dinala naman sa DSWD.

Samantala, narekober naman sa mga suspek ang P662 na pera pati na ang isang set ng barahang ginamit nila sa pagsusugal.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang mga suspek.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *