Connect with us

Aklan News

LALAKE, NAAKTUHANG NAKIKIPAGTALIK SA BABOY

Published

on

via|Malbert Dalida

Numancia, Aklan – “NARINIG KO NA PARANG MAY SINUSUPSOP AT LAKING GULAT KO NA MAY LALAKING HUBO’T HUBAD SA LIKOD NG BABOY”

Ganito inilarawan ng may ari ng baboy ang pagkakahuli nya sa akto sa isang lalake na nakipagtalik sa kanyang buntis na baboy madaling araw noong Aug 17 sa Brgy.  Camansi Norte ng bayang ito.

Nagising diumano si Angelo at napansin nya na patay ang ilaw sa kulungan ng baboy at habang papalapit sya ay may narinig syang ingay na parang may sinusupsop at nag iingay ang kanyang baboy.

Binuksan nito ang ilaw at dito na tumambad sa kanya ang isang lalake,  nasa 20 anyos,  hubo’t ubad na nakaposisyon sa likuran ng baboy. 

Agad nya itong sinigawan ngunit mabilis na nakatakas.

Binalikan nya ang kanyang baboy at napansin nya na namumula ang pwerta nito at may tumutulong puting likido na pinaniniwalaang galing sa suspek. 

Napag alaman din mula sa may ari na dalawang beses na nyang napapansin ang pamumula ng pwerta ng baboy at may tumatagas na likido.

Hindi sya nagduda na may umaabuso sa baboy dahil akala nya ay natural lang ito sa pagbubuntis ng kanyang alaga hanggang sa naaktuhan na nya ang kababuyan ng suspek.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *