Connect with us

Aklan News

BABAENG HUBO’T HUBAD, NATAGPUANG PATAY NA NAKALUTANG SA ISANG IRIGASYON

Published

on

via| Malbert Dalida

New Washington, Aklan – Hubo’t hubad at wala ng buhay ng matagpuan ang palutang-lutang na bangkay ng isang 23 anyos na babae sa isang irigasyon sa Brgy. Mataphao, New Washington.

Sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, mismong nanay ng biktima ang nakakita at umahon sa kanya mula sa irigasyon dakong alas-5:50 kaninang umaga.

Batay pa imbestigasyong isinasagawa, dumalo umano ito kagabi sa isang birthday party kung saan hindi na ito nakauwi.

Ayon pa sa pulisya, nakitaan di umano nila ito ng sugat sa ulo.

Subalit hindi pa matukoy kung biktima ang nasabing babae ng panghahalay dahil wala itong saplot sa katawan.

Magpasa-hanggang ngayon ay masusing pina-iimbestigahan ng New Washington PNP ang insidente upang mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng biktima.

Napag-alaman na mayroon ng apat na mga persons of interest ang mga kapulisan.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *