Connect with us

Aklan News

MOTORSIKLO, SUMALPOK SA TRAYSIKEL, TATLO SUGATAN

Published

on

This photo shows one of the victims. Photo|MDRRMO Kalibo


Kalibo – Tatlo ang sugatan at isinugod sa ospital matapos aksidenteng sumalpok ang isang motorsiklo sa traysikel pasado ala 1:00 kaninang madaling araw sa Pook, Kalibo.

Nakilala ang mga biktimang sina Bryan Alongonan, 20 anyos na drayber ng motorsiklo at angkas nitong si Theresa Cahilgan Felizardo, 20 anyos na mga taga Lawaan, New Washington, at si Veotcel Popes Carpio 35 anyos na drayber ng traysikel, kasama ang mga pasahero nitong sina Ana Mae Popes Lebrilla, 46 anyos at Theresa Baldos Lebrilla, 16 anyos lahat mga taga Nalook, Kalibo.

Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, partikular na nangyari ang insidente sa Jet Blast Area kung saan nakahinto umano ang traysikel para narin sa pagtake off ng eroplano

Subali’t aksidente umanong sumalpok sa likuran ng nasabing traysikel ang motorsiklo na papunta rin sana sa direksyon ng Kalibo.

Dahil dito sumemplang sa kalsada ang motorsiklo na ikinasugat ng driver nito at angkas.

Samantala, sinasabing tumilapon mula sa traysikel ang minor de edad na biktima sanhi ng insidente kung kaya’t kaagad rin itong isinugod sa ospital.Paragraph

Dinala rin sa ospital ng mga rumespondeng taga MDRRMO ang biktimang naka motorsiklo dahil sa mga tinamo nilang pinsala sa katawan.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *