Connect with us

Aklan News

64 ANYOS NA PWD NAGBIGTI, PATAY

Published

on


|via ©Malbert Dalida

Libacao – Patay na nang matagpuan bandang alas 8:20 kaninang umaga ang isang 64 na PWD (person with disability) matapos umanong magbigti sa Sitio Caigang, Julita, Libacao.

Kinilala ni Police Corporal Devzel Villorente ng Libacao PNP ang biktimang si Garcia Agodez Esto alyas ‘Garci’ at residente ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng Libacao PNP, natagpuan ng asawa ng kanyang pamangkin ang biktima na nakabitay sa isang puno ng kahoy, tinatayang 500 metro ang layo mula sa kanyang bahay.

Kaagad dinala sa punerarya ang bangkay ng biktima para maisaayos ang kanyang libing.

Base pa sa impormasyon, huling nakita ang biktima bandang alas 5:00 kahapon ng umaga at hindi na nakabalik.

Sinasabing may kapansanan sa paglalakad ang biktima at walang asawa na siya namang tinitingnang rason ng kanyang pagpagbigti.

Kinumpirma naman ng Libacao PNP na walang foul play sa pagkamatay ng nasabing biktima.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *