Connect with us

Aklan News

BINATILYO BINUGBOG NA, SINAKSAK PA NG 5 LASING NA SUSPEK

Published

on

Via|Jun Cabesilla

Kalibo, Aklan – Pinagtulungang bugbugin at saksakin ng limang lasing na suspek ang isang binatilyo kahapon ng madaling araw sa may Toting Reyes St., Kalibo.

Batay sa pahayag ng 17 anyos na biktima, naghahanap siya ng mabibilhan ng sigarilyo nang biglang may tumigil na motorsiklo na sakay ang limang di kilalang mga kalalakihan.

Tila may hinahabol umano ang mga ito at galit ng magtanong sa kanya.

Dahil tumanggi ang biktima na hindi niya kilala ang hinahabol ng mga ito, napagbalingan siya ng mga suspek na humantong sa pambubugbog at pananaksak sa kanya.

Agad namang dinala sa ospital ang biktima na ngayo’y nagpapagaling sa mga tinamo niyang sugat habang hindi pa rin tukoy ang pagkakakilanlan ng limang mga suspek.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *