Connect with us

Aklan News

DAHIL SA MANOK, AMA TINANGKANG SAKSAKIN ANG TATLONG ANAK

Published

on

Via|Rolly Herrera

Numancia, Aklan – Kalaboso ang isang padre de pamilya matapos ireklamo ng tatlong anak sa tangkang pananaksak sa Brgy. Bubog, Numancia.

Ayon sa Numancia PNP, nangyari ang insidente dakong alas-4:45 kahapon nang umuwi ang suspek na si Leonilo Nacino, 53 anyos, galing sa Brgy. Pook, Kalibo.

Bumili umano ito ng alak at uminom, pagdating ng kanyang anak na sina Jomar, 20 anyos at Jason, 19 anyos,  nagalit ito at kinompronta sila kung bakit kinatay ang kanyang alagang manok.

Kumuha ito ng patalim at inundayan ng saksak ang dalawa na agad na nakaiwas at mabilis na tumakbo palayo.

Kasunod nito ay dumating rin ang kanyang anak na si Jayme Nacino, 21 anyos para tanungin ang ama kung bakit ito galit pero inundayan siya nito ng saksak na kanya ring naiwasan.

Tumakbo ito palayo sa kanilang bahay at tiyempo naman na parating na ang mga pulis at inaresto ang suspek na nakuhaan ng 7 pulgadang kutsilyo.

Nakakulong ngayon ang suspek sa Numancia PNP at nahaharap sa kasong Attempted Parricide.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *