Connect with us

Aklan News

LALAKI, TINAGA NG PINSAN

Published

on

LALAKI, TINAGA NG PINSAN

Tangalan – Tama sa kaliwang kamay ang natamo ng biktima matapos tagain ng kanyang pinsan kagabi alas 11:20 sa So. Ilaya 2, Brgy. Pudiot, Tangalan.

Kinilala ni Pol. Staff Sgt. Peryll Antaran ang biktimang si Geraldo Diego Tudo, 47 anyos, at ang pinsan niyang suspek na si Ramil Aguelo Diego sa legal na edad na pawang residente ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng Tangalan PNP, nagising na lamang ang biktima at pamilya nito nang magsisisigaw umano ang suspek sa labas ng kanilang bahay.

Lumabas ang biktima at kinumpronta ang suspek subalit walang anumang probokasyon at bigla na lamang siyang tinaga nito ng dala itak.

Dahil dito, kaagad dinala sa ospital ang biktima habang tumakas ang suspek at patuloy pang pinaghahanap ng mga otoridad.

Napag alaman na may namagitang hindi pagkakaunawaan sa magpinsan nitong mga nakaraang araw.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *