Connect with us

Aklan News

DALAGITA, DINALIRI NG BINATA

Published

on

Kalibo – ISASAMPA NA BUKAS ang kasong panggagahasa laban sa binata matapos ireklamo ng kanyang dalagitang barkada ng pangmomolestya.

Nakilala ang suspek na si Florencio Pilar Sta.Maria, binata, 18 taong gulang, residente ng Sitio Baybay, New Buswang, Kalibo.

Nangyari ang insidente bandang alas 6:00 byernes ng gabi sa mismong bahay ng suspek habang silang dalawa nalang ang tao.

Bagama’t patuloy pa ang masusing imbestigasyon, napag-alamang nagreklamo ang dalagita matapos umanong ipasok ng binata ang kanyang daliri sa ari ng dalagita.

Depensa ng suspek na pumunta sa kanilang bahay ang dalagita bandang alas 5:00 ng hapon dahil madalas naman umano itong pumupunta doon.

Bandang alas 6:00 naman nang aalis umano sana ang suspek para pumunta sa plaza, subali’t hinila umano siya ng dalagita at hinawakan ang kanyang kamay.

Kasunod nito, isinuksok umano ng mismong dalagita sa kanyang pantalon ang kamay ng suspek at pinahawakan ang kanyang ari.

Nagulat umano at natakot ang suspek kung kaya’t kaagad niyang binawi ang kanyang kamay.

Pormal nang naghain ng reklamo sa WCPD (Women and Protection Desk) ng Kalibo PNP ang biktima na nagresulta sa agad na pagkakaaresto sa suspek.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *