Connect with us

Aklan News

MEAT VENDOR BINARIL, PATAY

Published

on

New Washington, Aklan – Patay ang isang meat vendor matapos barilin dakong alas 7:20 nitong gabi sa Jalas, New Washington.

Nakilala ang biktimang si Roljon Repedro Tejada, 36 anyos ng nasabing lugar.

Sa inisyal na impormasyon ng New Washington PNP, naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit alas 8:45 din nitong gabi ay binawian din ito ng buhay ayon sa doktor.

Batay sa impormasyon mula kay Police Corporal George Regalado, imbestigador ng New Washington PNP, nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan at ulo ang biktima.

Tinutukoy pa sa ngayon ng mga otoridad kung anong klaseng baril ang ginamit dito.

Samantala blangko pa sa ngayon ang mga kapulisan sa motibo at sa pagkakakilanlan ng suspek o mga suspek.

(This is a developing story.)

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *