Connect with us

Aklan News

UPDATE: BULLYING SA SCHOOL, ITINUTURONG DAHILAN NG PAGPAPAKAMATAY NG ESTUDYANTE

Published

on

Kalibo – Bullying sa school ang itinuturong dahilan ng pagpapakamatay ng isang 18 taong gulang na estudyanteng babae kahapon sa Purok 5 C.Laserna St., Poblacion, Kalibo.

Base ito sa imbestigasyon ng Kalibo PNP kung saan sinabi umano ng nanay at lola ng biktima na nakaranas ito ng bullying at emotional stress sa kanyang paaralan.

Ang biktima ay grade 12 na estudyante ng Garcia College of Technology.

May kinalaman dito, itinanggi ng pamunuan ng GCT na may nangyayaring bullying sa biktima sa kanilang paaralan at hindi nila ito tino-tolerate.

Samantala, nabatid sa imbestigasyon ng SOCO na walang ‘foul play’ sa pagkamatay ng estudyante.

Maalalang nagbigti at natagpuan na lamang kahapon ng umaga sa roof top ng kanilang building ang biktima at wala ng buhay.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *