Connect with us

Aklan News

DRUG SURENDEREE, ARESTADO SA BUY BUST SA MALAY

Published

on

Photo: Malay MPS

via Reynald Bandiola

Malay, Aklan – HULI ang isang drug surrenderee matapos muling mahulihan ng marijuana sa isinagawang operasyon ng Malay PNP.

Kinilala ang suspek na si Mar Sarceno Prado, 49 anyos, isang mangingisda na residente ng Poblacion, Malay.

Ayon kay Maj. Jess Baylon hepe ng Malay PNP, nagsagawa sila ng close monitoring kay Prado matapos na ito ay magpositibo sa drug test sa ginawang random drug test habang nagsasagawa ng Community Based Rehabilitation Program para sa mga drug surrenderee.

Kinausap nila ito ngunit pilit na itinanggi na gumagamit pa sya ng droga.

Minanmanan nila ang suspek at dakong alas-11 kagabi ay nabilhan sya ng isang sachet ng marijuana kapalit ang P800 na buy bust money.

Dahil dito ay mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *