Connect with us

Aklan News

18 ANYOS NA DALAGA, NAGBIGTI SA ROOFTOP PATAY

Published

on

Kalibo, Aklan – Nagwakas ang buhay ng isang 18-anyos na dalaga makaraang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa rooftop ng dalawang palapag na gusali sa Purok 5, C Laserna St.

Nakila ang biktimang si Danice Roldan Custodio, first year college student na nakatira sa nasabing gusali.

Dakong alas-6 kaninang umaga ng matagpuan na lamang ng lalaking trabahador sa nasabing gusali ang biktima na wala ng buhay at nakabitin pa sa beam gamit ang lubid.

Sa ngayon ay hindi pa malinaw kung ano ang posibleng dahilan ng pagpapatiwakal ng biktima.

Patuloy naman ang pagsisiyasat ng awtoridad sa nasabing insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *