Connect with us

Aklan News

LABORER, NATAGPUANG PATAY SA LOOB NG KANYANG KWARTO

Boracay Island – Wala ng buhay ng matagpuan ang isang laborer sa kanyang tinutuluyang kwarto bandang alas-7 kaninang umaga

Published

on

news-bytes

Boracay Island – Wala ng buhay ng matagpuan ang isang laborer sa kanyang tinutuluyang kwarto bandang alas-7 kaninang umaga sa isla ng Boracay.

Kinilala ang biktimang si Joel Tampus, 32 anyos, tubong Colorda avenue, Cebu City, at kasalukuyang nakatira sa barracks ng Crown Agency.

Ayon sa kanyang tiyuhin na si Martin Vasquez, nagtaka siya kung bakit hindi parin lumalabas ng kwarto ang biktima kaninang alas-6 samantalang alas-4 ang normal nitong gising.

Kinatok niya di umano ang pinto nito subalit wala itong nakuhang sagot kaya’t kinalas niya ang plywood na nagsisilbing pader ng kwarto saka tumambad sa kanya ang walang buhay na katawan ng kanyang pamangkin.

Agad naman niya itong ipinag-bigay alam sa mga gwardiya at dinala sa ospital kung saan idineklara itong patay.

Napag-alaman na gabi bago mangyare ang insidente ay nakipag-inuman pa ang biktima sa kanyang mga katrabaho.

Lumalabas naman sa inisyal findings ng doktor na cardiogenic shock ang ikinamatay ng biktima.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *