Connect with us

Aklan News

LALAKING TUMAWID SA IRIGASYON, NALUNOD PATAY

Published

on

LALAKING TUMAWID SA IRIGASYON, NALUNOD PATAY

Banga, Aklan – Patay na nang matagpuan kagabi ang isang lalaking tumawid sa irigasyon at pinaniniwalaang nalunod pasado alas 7 kagabi sa Cerrudo, Banga.

Kinilala ni Police Staff Sergeant Mark Lorico ng Banga PNP ang biktimang si Remegio Nam-ay Teodosio, 53 anyos ng nasabing lugar.

Ayon sa pulis, tumawid ang biktima para puntahan ang kanyang nakataling baka sa kabilang pangpang, subali’t natagpuan na lamang ang kanyang tsinelas, cell phone at sando sa tabi ng irigasyon, tinatayang 200 metro ang layo sa kanyang bangkay.

Kasalukuyang nasa isang punerarya ang labi ng biktima at nakatakdang isailalim sa post mortem examination para sa karampatang disposisyon.

Base pa sa impormasyong nakuha ng Banga PNP, posibleng lasing ang biktima nang tumawid sa irigasyon kung kaya’t hindi niya nakayanan ang malakas na agos ng tubig na posibleng kanyang ikinalunod.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *