Connect with us

Aklan News

2 SUGATAN SA HIWALAY NA ROAD ACCIDENT

Published

on

Kasalukuyang nagpapagaling sa Aklan Provincial Hospital ang dalawang rider ng motorsiklo na nasangkot sa hiwalay na aksidente sa kalsada dakong alas-8 kagabi.

Kinilala ang mga biktimang sina Ariel Milaño, 34 anyos ng Poblacion, Makato na naaksidente sa highway ng Numancia habang pauwi mula Kalibo, habang ang isa naman ay si Esmie Masigon, 29 anyos ng Bachaw Norte, Kalibo na naaksidente sa Balete.

Kapwa lasing ang mga ito nang masangkot sa aksidente habang pauwi sa kani-kanilang tahanan.

Parehong nagtamo ng mga galos sa katawan ang dalawang rider na agad naman na binigyan ng lunas sa ospital.