Connect with us

Aklan News

2 SUGATAN SA AKSIDENTE SA MOTOR

Published

on

disgrasya sa kalsada

Kalibo — Dalawa ang sugatan sa aksidente sa motorsiklo alas 7:35 kagabi sa kanto ng Ilang-ilang Road at Pastrana Road, Andagao, Kalibo.

Nakilala ang mga biktimang sina Paul Sorca, 24 ng Mutos Road, Estancia, Kalibo at Jetro Bisara, 21 anyos ng Sun Flower St., Andagao, Kalibo.


Base sa inisyal na imbestigasyon ng Kalibo PNP, nagmomotorsiklo papuntang Park Homes ang nasa impluwensiya umano ng alak na si Sorca, subalit bigla na lamang umano itong pumreno sa hindi nalamang dahilan, rason na aksidente itong nabangga sa likod ng nagmomotorsiklo ring si Bisara.

Resulta, kapwa sila sumemplang sa kalsada at nagtamo ng pinsala sa katawan ang dalawa na kaagad ding dinala sa ospital.

Pansamantala namang naka impound sa Kalibo PNP Station ang kanilang motorsiklo, habang kapwa rin sila natiketan dahil sa pagmamaneho ng lasing at reckless driving.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *