Connect with us

Aklan News

2 SUGATAN MATAPOS MAAKSIDENTE SA MOTORSIKLO NG NAKIPAGHABULAN SA MGA PULIS

Published

on

Kalibo – Sugatan ang dalawang lalaki ng maaksidente ang motorsiklo matapos nakipaghabulan umano sa mga pulis pasado alas 10:00 kagabi sa Ilang-ilang St., Andagao, Kalibo.

Nakilala ang mga biktimang sina Arjay Gonzales, 33 anyos na siyang driver ng motorsiklo, at angkas nitong si Janvee Alvios, 28 anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.


Base sa report ng Kalibo PNP, nagpapatrolya umano sakay ng motorsiklo ang ilang pulis ng Kalibo PNP nang maispatan ang dalawa sa kalye ng Ilang-ilang, Andagao.

Subalit nang makita umano nila ang mga pulis, kaagad na pinaharurot ni Arjay ang minamanehong motorsiklo, rason na hinabol sila ng mga pulis.

Aksidente namang sumemplang sa kalsada ang kanilang motorsiklo na ikinasugat ng mga biktima.

Kaagad naman silang ginamot ng mga rumespondeng MDRRMO at dinala sa Kalibo PNP Station kung saan sila pansamantalang ikinustodiya, bago iharap sa barangay justice system ng Poblacion, Kalibo dahil sa paglabag nila sa Covid-19 Curfew Ordinance.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *